Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2025

PANSIT-PANSITAN NA HALAMANG GAMOT SA AMING BAYAN

Imahe
Mga herbal benefits ng PANSIT-PANSITAN 1. Pampababa ng mataas na uric acid ( laban sa gout at arthritis). 2. Pampalakas ng bato at pantog ( diuretic effect). 3. Panlunas sa pananakit ng kasu-kasuan at rayuma. 4. Nakakatulong sa pagbaba ng lagnat. 5. Pampalinis ng dugo (detoxifying effect). 6.Nakakatulong sa impeksyon sa ihi (UTI). 7. May antioxidant properties panlaban sa free radicals). 8. Nakakatulong sa pagkontrol ng high blood pressure. 9.Panlunas sa sugat at pamamaga (anti-inflammatory). 10. Pampababa ng cholesterol.  Paano Ito Gamitin ng Tama  Bilang Tsaa / Inumin Paraan: Hugasan mabuti ang 1 tasa ng sariwang dahon at tangkay ng pansit-pansitan. Pakuluan sa 3 basong tubig hanggang sa maging 1 baso na lang. Hayaang lumamig, salain at inumin. Dosis: Uminom ng 1 tasa, 2 beses sa isang araw (umaga at gabi). Karaniwang iniinom ng 1–2 linggo lang, hindi araw-araw ng pangmatagalan.    Bilang Salads o Ulam Maaaring kainin ang dahon at tangkay na hilaw (sala...

TURMERIC O LUYANG DILAW BILANG HALAMANG GAMOT

Imahe
TURMERIC O LUYANG DILAW BILANG HALAMANG GAMOT Mga Benepisyo Ng luyang dilaw 1. May taglay na anti-inflammatory 2. Panlaban sa cancer 3. May taglay na powerful antioxidants 4. Pumuprotekta laban sa heart diseases 5. Panlaban at pang-iwas sa diabetes 6. Pang-iwas sa Alzheimer's disease 7. Nakakalunas ng depression 8. Nag-iimprove ng kalusugan ng balat 9. Nakakaiwas ng problema sa mata 10. Nakakaiwas sa pagkakaroon ng age-related chronic disease 11. Panlunas sa rheumatoid arthritis 12. Nakakatulong sa osteoarthritis 13. Nakakaprotekta sa katawan laban sa free radicals Paano gamitin ang turmeric o luyang dilaw Paglalaga 1. Kumuha lang ng preskong bungang-ugat ng turmeric (kayo na magtantsa kung gaano karami gagamitin nyo.) 2. Iinisin ito ng mabuti at huwag na itong balatan, pagkatapos ay dikdikin ito. 3. Kumuha ng 3 baso ng tubig na gagamitin sa paglaga. 4. Ihalo ang turmeric sa 3 baso ng tubig at pakuluan ito sa loob ng 10-15minuto. 5. Pagkatapos, palamigin ito at inumin. ...

Tawa-tawa

Imahe
Halamang Gamot: paano gamitin ang tawa-tawa  1. Hika =Ang dagta ng tawa-tawa ay kadalasang hinahalo sa inumin para maibsan ang sintomas ng hika. Maaari ding patuyuin ang mga dahon at gamiting parang sigarilyo. Maaari ding inumin ang pinaglagaan ng halaman para sa kondisyon ng hika. 2. Dengue =Mabisa din ang tawa-tawa para sa mga sintomas na dulot naman ng dengue. Ang buong halaman na tinanggalan ng ugat ay pinakukuluan at pinapainom na parang tsaa sa may sakit. Mas mabisa ito kung iblend at inumin fresh ang katas. 3. Pagtatae =Ang tuloy-tuloy na pagdudumi ay maaari namang gamutin sa tulong ng pag-inom din sa pinaglagaan ng halaman. Mabisa rin para sa kondisyon ang pag-inom sa pinaglagaan ng ugat. 4. Buni =Ang pagpapahit ng dagta ng tawa-tawa ay mabisa para sa pag-alis buni sa balat. 5. Kuliti =Sinasabi rin na mabisa ang dagta ng tawa-tawa para sa paggagamot sa kuliti sa mata. Ang dagta ay pinapatak sa apektadong mata. 6. Lagnat =Ang pinaglagaan ng ugat ay makakatulong s...

LaGuNDi na ginagamit pang GAMOT SA nga sugat at iba pa.

Imahe
Ang Lagundî ay isang halamang gamot na ginagamit sa rayuma, ubo, hika at lagnat. Ito ay isang maliit na punongkahoy o kaya palumpong at umaabot sa 2-5 metro sa taas. Ang dahon nito ay nahahati sa 5 pang maliliit na leaflet na mabalahibo sa ilalim. Paano gamitin ang halamang ito: 1. Kumuha ng 7-9 dahon ng lagundi. 2. Hugasan ng mabuti ang dahon. 3. Kumuha ng 3 baso ng tubig at pakuluan ito. 4. Kapag ito ay kumulo na, ihalo ang dahon. 5. Hayaan ito sa loob ng 5-10 minuto na kumulo. 6. Pagkatapos, salain ito at pwede na inumin. (2 cup per day, umaga at gabi, pagkatapos kumain.) Kung maglalaga ng buto at balat ng lagundi, sundi lang din ang mga hakbang na nabanggit. Buto ng lagundi - 1 kutsarita Balat ng kahoy - 100g ang timbang

Tanglad

Imahe
 Upang makagawa ng tsaa sa tanglad bilang halamang gamot, sundin ang mga simpleng hakbang sa ibaba. Ang tanglad ay kilala sa iba't ibang benepisyo sa kalusugan, kabilang ang pagpapababa ng lagnat at paggamot sa ubo at sipon.  Babala: Bagama't ang tanglad ay may potensyal na benepisyo sa kalusugan, mahalagang tandaan na ang mga ebidensya ay batay sa tradisyunal na paggamit at ilang pag-aaral. Hindi ito dapat gamiting kapalit ng payo ng doktor o iniresetang gamot. Kumonsulta muna sa doktor lalo na kung umiinom ng maintenance medication.  Paraan sa paggawa ng tsaa sa tanglad Mga kailangan: 1-2 tangkay ng sariwang tanglad 1 tasa ng tubig  Mga hakbang: Ihanda ang tanglad. Hugasan nang mabuti ang tangkay ng tanglad. Hiwain ito sa 1-2 pulgadang piraso o pisain nang bahagya. Pakuluan ang tubig. Sa isang kaldero, pakuluan ang isang tasa ng tubig. Ilagay ang tanglad. Kapag kumulo na ang tubig, ibuhos ito sa ibabaw ng mga tanglad. Hayaang magbabad. Hayaang magbabad ang tanglad ...

OREGANO- Mabisa din na HALAMANG gamot na matatagpuan Dito sa aming bayan

Imahe
  Paalala: Ang oregano ay isang halamang-gamot na sikat sa tradisyonal na panggagamot sa Pilipinas, lalo na para sa mga sakit sa paghinga tulad ng ubo at sipon. Mahalagang tandaan na ang mga sumusunod na pamamaraan ay batay sa tradisyon at hindi dapat gamiting kapalit ng payo mula sa isang propesyonal sa medisina.  Mga pamamaraan sa paggamit ng oregano Para sa ubo, sipon, at lagnat Kumuha ng sariwang dahon ng oregano, hugasan itong mabuti, at durugin. Maaari mong pakuluan ang mga dinikdik na dahon sa tubig (5–10 minuto) at inumin ang pinaglagaan nito. Para mas mabilis na gumaling ang lagnat, maaari itong haluan ng kaunting katas ng kalamansi at honey.  Para sa pigsa at iba pang sakit sa balat Durugin ang sariwang dahon ng oregano. Ipatapal ang dinikdik na dahon sa apektadong bahagi ng balat para makatulong sa pagpapagaling ng pigsa.  Para sa pananakit ng lalamunan (sore throat) Maghanda ng oregano tea sa pamamagitan ng pagpapakulo ng pinatuyong dahon ng oregano sa tu...

SAMBONG- Isa din sa mga HALAMANG gamot na matatagpuan sa aming bayan

Imahe
  Paano gamitin ang sambong: 1. Kumuha lang ng 3-7 dahon ng sambong. 2. Hugasan ito ng maigi upang maalis ang alikabok at dumi. 3. Kumuha ng 5 baso ng tubig at pakuluan ito. 4. Kapag kumulo na ang tubig, ihalo ang dahon ng sambong. 5. Hayaan itong kumulo sa loob ng 10-15minuto. 6. Pagkatapos pwede na itong salain at inumin. (1-3cups lang kada araw, inumin ito pagkatapos kumain.) Maaari ring gumawa ng sambong tea, gamit ang tuyong dahon. 1. Kumuha lang ng tuyong dahon ng sambong. 2. Ibabad lang ito sa mainit na tubig sa loob ng 5minuto at pwede na itong inumin. (1-3cups lang kada araw, pwede itong pamalit sa kape.)

BAYABAS- Isa sa mga halamang GAMOT na matatagpuan sa aming bayan

Imahe
Upang maghanda ng nilagang dahon ng bayabas , kumuha ng mga 10-15 piraso ng sariwa at malinis na dahon, pakuluan ito sa isang litro ng tubig sa loob ng 10-15 minuto, at salain bago inumin. Ang inuming ito ay may tradisyonal na gamit sa panggagamot dahil sa taglay nitong antioxidant , antibacterial , at anti-inflammatory properties .  Pamamaraan ng paggawa Ihanda ang mga dahon: Kumuha ng 10-15 piraso ng sariwang dahon ng bayabas at hugasan itong mabuti. Pakuluan ang tubig: Magpakulo ng 1 litro ng tubig sa isang kaldero. Idagdag ang mga dahon: Ilagay ang mga dahon sa kumukulong tubig. Lutuin: Hinaan ang apoy at hayaang kumulo sa loob ng 10-15 minuto. Palamigin at salain: Hayaan itong lumamig nang kaunti at salain ang mga dahon bago inumin ang likido. I-serve: Maaaring inumin ito nang mainit o malamig.  Ang nilagang bayabas, o pinakuluang dahon ng bayabas, ay tradisyonal na gamot na ginagamit sa Pilipinas para sa iba't ibang sakit. Kilala ito sa mga antibacterial, anti-inflammat...